- Davao City—Nanawagan si Presidente Rodrigo Duterte na huwag mag alala kung sakaling may mangyaring masama sa kanya dahil sa pag tutol niya na bantayan ng mga security escorts.
Andyan naman daw si VP Leni Robredo na papalit sa kanya kahit papano.
Ito ang scenario na sinabi na Duterte matapos na tutulan ang pagsama ng presidential security group (PSG) sa kanyang pag uwi araw araw sa Davao mula sa Malacañang.
“Look, the Constitution provides for the Office of the Vice President, kaya nga tayo may vice president, kapag nahulog yang eroplano ko, meron tayong reserba” ito ang inihayag ng presidente sa panayam sa kanya matapos ang dalawang oras na meeting nila ni Sen Manny Pacquiao at ng magkapatid na Sen Alan Peter at Pia Cayetano.
Wala naman daw problema sa pagsakay sa eroplano na ang kasama lang niya ay ang assistant na si Bong Go at isang staff.
May pagkakataon pa nga daw na pinauwi niya ang ilang PSG.
“Alam niyo sa totoo lang, I don’t want to offend the PSG. Noong unang araw ayaw ko talaga. Pinauuwi ko yong mga sundalo, sabi ko “wag kayo d’yan sa likod ng bahay ko, pano makaka penetrate ang mga terorista kung nandyan kayo.”
Nakiusap naman ang PSG na sinasabi ng batas na trabaho nila na bantayan ang siguridad ng pangulo.
Ayon kay Duterte nasanay na siya na nilalapitan ng mga tao, niyayakap, nag papa picture, humahalik at nakikisaya sa kanya
Bahagi kasi ng trabaho ng PSG na pagbawalan ang sinuman na lumapit sa presidente dahil sa usaping panseguridad at iyan ay naaayon sa batas.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 1, 2016