Bilang ng mga turista mula China lomobo, mga turista mula sa US, bumaba

Estimated read time 1 min read

 

isKinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na lomobo ang bilang ng mga turista na galing sa China.

Ayon sa ilang turista mula China gusto nila ang Pilipinas dahil sa maraming magagandang tanawin dito, magagandang beaches at ang hospitality ng Pinoy.

Samantala kung domoble naman ang bilang ga mga turista galling sa China, bamaba naman ang bilang ng mga turista mula America.

Ayon sa mga analyst ito ang resulta ng state visit at pakikipagkaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China. Samantala ang pagsalita ng mga negatibong komento ni Duterte laban sa US ang malaking epekto rin sa reductioin ng tourist arrival mula US.

Maaari pa raw domoble ang bilang ng mga turistang Chinese bago matapos ang kasalukuyang taon samantalang 30 % naman ang reduction ng mga US tourist mula noong Agosto.

Malaking epekto rin ang ipinahayag ng US state department at ang pagkabahala tungkol sa tumataas na bilang ng extra judicial killing sa bansa dahil sa war on drugs ng administrasyon.

Kaugnay nito, mas makabubuti umano na huwag nang obligahin ang mga Amerikanong turista na kumuha ng visa tulad ng plano ng pangulo dahil malaking kawalan ito ng tourist arrival sa bansa.

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
November 2, 2016

You May Also Like