In his speech in Camp Vicente Lim at Laguna, PNP Chief Director General Ronald “Bato” de la Rosa told policemen to stay alive during police operations.
Ayon sa kanya, “dapat ang mga kriminal ang mamatay hindi tayo. Isipin nyo pag kayo ay mamatay, walang taga human rights na mag papaaral sa mga anak nyo, kaya you better stay alive bahala na yong kaso afterwards”
Para kay de la Rosa ang mga drug addict ay wala sa kanilang katinuan, kaya nararapat na sa lahat ng oras ay mag ingat ang mga pulis.
Kaugnay nito, nagbabala naman si de la Rosa sa kanyang mga pulis na kapag nalaman niya na nag re recycle ng droga ang mga ito, hindi niya ito sasamahan bagkus kanyang ihahatid sa impiyerno.
Sinabi rin ng pinuno ng PNP na hindi nila sinusuportahan ang extra judicial killings kahit na maraming pumupuna sa kampanya ni Presidente Rodrigo Duterte na nawalan na umano ng control sa pangyayari.
Kung mapatunayan umano na may mga pulis na hindi sumunod at nag violate sa law of self defense ay kaniyang paiimbistigahan at parurusahan,
Sinabi rin ito ni de la Rosa ng humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights at ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Samantala, ayon kay Chief Supt Ramon Melvin Buenafe, Bicol Police Director, 34 na mga pinuno ng pulis sa Bicol region ang sinibak sa pwesto ni de la Rosa dahil sa nabigo sila sa target tungkol sa implementayson ng Oplan Double Barrel.
Ang mga pulis na sinibak sa kanilang pwesto ay ni re assign sa regional office ng PNP para ipasailalim sa refresher course tungkol sa police operations.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 24, 2016