Bakit Mahalaga ang Pagsusuot ng Face Mask sa panahon ng Covid19 pandemic?

Estimated read time 2 min read

Sinuri namin ang ilan sa mga mahahalaga, praktikal at nakakatawang

mga kadahilanan sa pagsusuot ng face mask sa panahon ng

pandemyang ito.


Image may contain: one or more people

Bakit mahalaga magsuot ng face mask?

Ang pagsusuot ng face mask ay makakatulong na maiwasan ang 
pagkalat ng impeksyon at maiwasan ang indibidwal mula sa
pagkakahawa ng anumang mga airborne virus.

Kapag may cough and colds habang nakikipag-usap, iwasan ang
bumahin sa mga public places dahil maaari kayong magpakawala
ng mga mikrobyo sa hangin na maaaring makaapekto
sa iba tao na malapit sayo.

Ang pagsuot ng face mask ay isang mabisang paraan upang
mapigilan ang mabilis na paglaganap ng Covid19 virus
sa bawat isa.

Paano dapat magsuot ng Face Mask?

Laging hugasan ang iyong mga kamay ng sabon at tubig bago 
hawakan ang face mask.

Alisin ang mga face mask mula sa dispenser o kahon at
siguraduhin na walang mga butas ang mga ito.

Tiyaking ang face mask ay nasa tamang bahagi o harapan
para maayos ang pagsuot nito.

Ang nakakatuwang mga dahilan ng pagsusuot ng face mask:

1.Maaari di mo na kinakailangan ang makeup o ang pag ahit ng 
iyong bigote at balbas.

2. Marami ng klase at mga cool designs ang mga face mask
ngayon na babagay sa inyong "outfit of the day".

3. May malaking nunal, pigsa o kaya mga pimples sa mukha,
no problem kasi bahagyang matatakpan ang mga ito pagsuot
mo ng face mask.

4. Magmumukha kang smart, matalino at responsable sa
kapwa mo. Sa mga panahon ngayon, umiiwas tayo sa mga taong
walang face mask kasi baka carrier ng nakakahawang
covid19 virus.

5. Walang makakakita kung gumawa ka ng mga "funny faces"
sa ibang tao.



You May Also Like