January 5, 2019 MCBN News
Ipinalabas ng Labor Market Information Report ng Department of Labor and Employment (DOLE) na karamihan sa mga edukadong Pilipino o may mataas na pinahg aralan o educational attainment ang kadalasang walang trabaho o unemployed.
Ayon sa report noong 2017, aaabutin sa 43.9% ang walang trabaho. Katumbas ito ng isang milyon katao. Karamihan dito ay mga high school graduate at mayroon ding under graduate.
Ayon pa sa pag aaral mas madaling makakuha at makahanap ng trabaho ang may mababang educational attainment kesa sa may mataas na pinag aralan. Ito ay dahil hindi na sila namimili ng trabaho.
Samantalang ang mga may mataas na pinag aralan ang naghihintay pa ng offer para sa mas magandang trabaho at pwesto sa isang kompanya dahil sa kanyang educational attainment. Kalimitan “blue-collar” job ang nakukuha ng mga may mababang educational attainment at “white-collar” job naman sa mga may mataas na educational attainment.
Kaya huwag nang magtataka kung karamihan sa nakatambay ngayon ay may mataas na educational attainment at nakatapos ng kolehiyo