Matrix to show De5 link to Bilibid drugs–Du30

Estimated read time 3 min read

 

President Rodrigo Duterte promised to release a matrix showing Sen. Leila de Lima’s alleged link to drug lords at the New Bilibid Prison.

 

According to the president “I will show you, maybe this week the matrix—I’m just validating—the matrix of Muntinlupa connection. De Lima is there, it would show her role there. De Lima was the highest ranking in the chart. Just look at the matrix.”

 

 

Sinabi rin ng pangulo na kasama si dating undersecretary Francisco Baraan sa listhan.
Hindi rin daw siya makapaniwala na isang gobernador na kaibigan niya ang kasama rin sa listahan.

Magugunita na isang pasabog ang sinabi ng pangulo na ang driver-lover ng senadora ang kumukolekta ng pay off sa kanya mula sa bilibid.

Samantala, pinabulaanan ni Sen. Leila de Lima ang mga paratang na ito ng pangulo. Wala umano itong katotohanan. Handa rin umano siyang mag resign at magpa baril kung mapatunayan na sangkot nga siya sa ilegal na droga.

Si De Lima bilang chairperson ng Committee on Justice sa Senado ay nagpatawag ng senate inquiry tungkol sa nagaganap na pagpaslang o extra judicial killings sa mga taong sangkot sa droga na ayon naman sa mga pulis ay nanlaban kaya napatay.

Samantala sa gaganaping congressional inquiry ay planong imbitahan si Ronnie Palisoc Dayan ang driver ng lady solon na maging star witness sa umano’y pagkakasangkot ng opisyal sa droga.

Sa isang press conference sinabi ni Deputy Speaker Karlo Nograles na naniniwala ang pangulo na ang driver ng senadora na si Ronnie Palisoc Dayan ay may mahalagang papel sa umano’y illicit transaction ng senadora at ng mga drug lords sa New Bilibid Prison kaya dapat na maging state witness ito.

Ang pag iimbistiga ng kongreso ay para sa transparency at accountability at kung sangkot ang driver kailangang imbitahan ito para marinig ang kanyang panig.

Labing isang mga house leaders na pinangungunahan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsumite ng House Resolution 105 para imbistigahan ng Committee on Justice o kaya ng Public Order and Safety si Sen. De Lima at ang mga opisyal ng Department of Justice at ang Bureau of Corrections (Bucor) na na i convert ang NBP bilang virtual headquarters ng mga drug lords, magluto ng shabu at pagalawin ang kanilang mga galamay sa labas ng kulungan.

Samantala inihayag naman ni Deputy Speaker Sharon Garin na bibigyan ng Kongreso ng imbitasyon si De Lima bilang resource person para matulungan ang mga mambabatas na gumawa ng batas para maiwasan ang anomalous transaction sa loob ng maximum security prison.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 23, 2016

 

 

 

You May Also Like