Inabot ng isa at kalahating oras ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong araw ng Lunes, July 25, 2016. Hindi niya sinunod ang nasa teleprompter at nagsalita ito ng extemporaneous at nagbigay ng mga adlib.
Malakas na pinalakpakan ang pangulo na umabot ng 80ng palakpak lalo na ang mga isusulong na mga proyecto at programa sa kaniyang administrasyon.
Isa sa isusulong ng pangulo ay ang mabilis na free wi fi services sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, mga plaza at parke, mga paaralan, airport at iba.
Binigyang diin ng pangulo ang all-out war sa droga at kriminalidad. Sinambit din ng pangulo ang illegal mining, pagbaba ng income tax, mahabang pila at iba pa.
Ang mga mahihirap na mga mamamayan ang mahalaga sa puso ng pangulo kaya maliban sa 4ps ay may isang sakong bigas ang mga mahihirap na pamilya kada buwan.
Samantala, si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang siyang bagong Senate President at si Congressman Pantaleon Alvarez ang bagong House Speaker.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
July 25, 2016
The State of Nation Address of President Rodrigo Duterte is brought to you by PBS-RVTM
(Presidential Broadcast Staff – Radio Television Malacanang)