Matapos ang pasabog ni Pres Rodrigo Duterte na limang mga heneral ng pulisya ang protector ng drug syndicate bansa at ang pagsibak sa mga ito pati na ang pag relieve sa pwesto ng mga pulis sa anti narcotics unit sa Metro Manila at ilipat sa Mindanao handang pangalanan din ng pangulo ang mga local chief executives sa bansa na sangkot din sa narco politics.
Hinihintay na lamang ng pangulo ang intel report at ang listahan ng pangalan ng mga ito.
Nauna ng ipinahayag ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” de la Rosa na may mga local chief executive tulad ng mga barangay kapitan, mayor, gobernador at iba pa ang sangkot sa droga.
Samantala, masama naman ang loob ng mga pinangalanang heneral. Handa umano silang isalang sa lie detector test at imbistigasyon. Naiyak naman si C/Supt Edgardo Tinio maling info umano ang nakarating kay Du30 at sinira ang malinis niyang pangalan at sangkot pa an pamilya.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
July 6, 2016