Rebulto ni Enrile Ipinagiba ng Bagong Gobernador ng Cagayan

Estimated read time 1 min read

 

taken from www.facebook.com/JuanPonceEnrile
taken from www.facebook.com/JuanPonceEnrile

Ipinagiba ni Gov. Manuel Mamba ang rebulto ni Sen. Juan Ponce Enrile sa mismong entrance ng capitolio ng Cagayan.

An rebulto ay ipinatayo noong 1984 ni dating gobernador Justiniano Cortez bilang tribute sa pagiging minister ni Enrile kay Marcos .

Ayon sa gobernador wala siyang nakikitang significance o kahalagahan ng rebulto lalo pa’t nakikita niya ito araw araw sa tuwing papasok siya sa capitolio.

 

Nagtatanong si Mamba kung bakit may rebulto na si Enrile samantalang buhay pa ito taliwas sa batas ng National Historical Institute.

Hindi rin umano magandang halimbawa sa mga kabataan na may rebulto ang isang senador na kinasuhan ng plunder dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan at nasa labas lamang dahil sa piyansa.

Si Enrile na matagal nang political enemy ni Mamba ay 92 years old na at retirado na.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
July 6, 2016

You May Also Like