Kahilingan ng LGBT kay Du30, mag focus sa “KKK”

Estimated read time 1 min read

 

 

 

Tatlong “K” ang hangad na iparating ng LGBT community kay President–elect Rodrigo Duterte para gumanda naman ang kanilang buhay.

 

taken from http://www.ecu.edu/cs-cas/lgbt/
taken from http://www.ecu.edu/cs-cas/lgbt/

Ito ay ang Kabuhayan dagdag sahod, Kalusugan at Kontra diskriminasyon.

Ang kahilingan ay galing sa Bahaghari, isang grupo ng democratic at community–based LGBT na nagsagawa ng protesta sa corner Kalaw at Taft Avenue Manila.

Si Duterte umano ay nangako na wawakasan ang contractualization kaya malaking tulong ito sa kanila. Hiiniling ng mga ito ang dagdag sahod, just compensation at matatag na trabaho.

Sa kalusugan naman ay dapat daw magprovide ng ilang treatment options sa mga pasyente na may HIV/AIDS na malaking problema sa LGBT na hindi nabigyang solusyon ni P’noy.

Ang panghuli. sana umano ay pumili ng tamang gagamiting salita si Duterte. Tulad na lamang nang sabihin niyang “bayot” si Mar Roxas noong kampanya.

Para sa LGBT isang uri ito ng diskriminasyon sa kanila.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 27, 2016

 

 

You May Also Like