Transportation Sec. pupunta ng China para sa railway project sa Pilipinas.

Estimated read time 1 min read

 

 

Nakatakdang magtungo sa China si Transportation Secretary Arthur Tugade para i follow up ang ipinangakong railway project para sa Pilipinas.

 

photo from gonegosyo,net and wikipedia
photo from gonegosyo,net and wikipedia

Ang kautusan ay nagmula kay President Rodrigo Duterte. Kasama kasi sa naipangako ng Chinese ambassador ay ang magpatayo ng railway system mula sa Maynila papuntang Clark, Tutuban at diretsong Bicol region.

Bukas naman ang bidding sa ibang negosyanteng gustong sumali subalit kung hindi nila kakayanin ay ibibigay na lang sa China ang project

Marami pang mga magagandang mga kaisipan si Duterte para sa kaunlaran ng bansa subalit ipina uubaya na niya ito sa kanyang gabinete at mga economic managers.

 

Nauna nang inamin ng pangulo na wala siyang ideya at hindi siya magaling sa economics.

Bilang abogado at dating prosecutor ang kanyang expertise ay ang pagbibigay hustisya, paglaban sa kriminaliad at pagpulbos sa corruption.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 23, 2016

You May Also Like