Ang mabilis at murang internet connection ang isa sa sampung rekomendasyon at kahiilingan ng mga negosyante sa ginanap na consultative meeting ng mga negosyante sa bansa at ng economic managers ng Duterte administration sa Davao noong nakaraang araw.
Nauna na ring ipinangako ni Incoming President Rodrigo Duterte na gagawan niya ng paraan upang mapabilis ang internet connection sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa ibang mga Telcos na pumasok at mag invest sa Pilipinas.
Binigyan din ng babala ni Duterte ang mga Telcos na kasalukuyang namamaypag sa bansa na ayusin ang kanilang serbisyo.
Ang internet connection ngayon sa bansa ang inuulan ng kaliwa’t kanang reklamo’t batikos dahil sa napakabagal na serbisyo subalit wala namang magawa ang mga subscribers kundi magtityaga na lamang dahil walang ibang Internet provider sa bansa .
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 23, 2016