Aabutin sa P43 million pesos ang ibibigay na financial assistance ng Canada sa Pilipinas bilang pondo sa
mga apektado ng gulo sa Mindanao.
Kahit na nga pinugutan ng Abu Sayaff Group (ASG) ang dalawang bihag na Canadian national na sina John Ridsdel at Robert Hall matapos na mabigong makakuha na ransom money ang grupo.
Ang bansang Pilipinas at ang Canada ay may nauna ng kasunduan para sa “no ransom policy” sa mga bihag ng ASG.
Kaugnay nito, ikinalungkot ni Canada Prime Minister Justin Trudeau ang sinapit ng kanilang kababayan subalit wala silang magagawa kundi ipagpatuloy ang no ransom policy.
Sa panig naman ng Pilipinas sinabi ng matataas na opisyal ng pamahalaan na kung pagbibigyan nila ang bawat kahilingan ng ASG sa pagbibigay ng ransom, para na ring sinabing talo ang pamahalaan ng mga bandido at paulit ulit na gagawin ito ng grupo.
Samantala, sinabi ni Sen Panfilo “Ping” Lacson na kailangang kidnapin din at patayin ang ASG.
Inihayag ni Communications Sec. Sonny Coloma na nagpahina sa loob ng ASG ang dalawang buwang hot pursuit operation ng government troops sa mga kalaban. Nagpahina rin sa grupo ang no ransom policy ng pamahalaan.
Ayon pa kay Coloma hindi nababahala ang pamahalaan sapagkat maliit na grupo lang ang ASG. May pangako si P’noy na bago siya bumaba sa pwesto ay pulbus na ang grupo.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 15, 2016