Closing Out Sale ng Droga , Kinumpirma ng Drug Pusher

Estimated read time 2 min read
Digong-at-Bato-1
photo taken from pickjuan.com

Totoo nga ang intelligence report ni incoming Chief PNP Ronald “Bato” de la Rosa na nagdeklara na ng closing our sale ang mga drug lord habang hindi pa umuupo si Presidente Rodrigo Duterte.

Ito ay pinatunayan ng isang drug pusher na nahuli ng mga otoridad sa bayan ng Pili, Cam. Sur. Matapos ang mahaba habang interrogation ay kumanta na ang pusher.

Ayon sa kanya mayroong talagang closing our sale at may promo ngayon ang mga drug lord. Pinapa ubos na lang daw nila ang kanilang stocks habang hindi pa umuupo si Duterte.

An ikinakabahala umano ng mga drug lord at mga pusher ay ang kampanya ni Duterte na walk of shame o ang pagpapahiya sa mga sangkot sa droga sa pamamagitan ng pagpaparada nito sa kalsada. Pati na ang pagbitay sa publiko ng mga sangkot sa droga at ang patong na 5 million pesos sa ulo nila.

Ang nakakatakot dito ay ang pagkakapahiya lalo na ng kanilang mga kaanak dahil mabubulgar ang kanilang gawain sa publiko.

Samantala sa South Cotabato , patuloy ang pagdagdag ng bilang mga mga sumusuko sa mga pulis na sangkot sa droga.

Sa barangay Banga, sumuko ang 35 na drug pusher, apat naman ang sumuko sa Norala at 45 katao ang sumuko sa Surallah lahat sa South Cotabato.

Ang mga pangalan nila ay isusumite sa higher headquarters ng PNP at i momonitor kung talagang tumigil na sa pagbebenta ng droga upang maligtas sa Oplan Rody ng pamahalaan.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 15, 2016

 

 

You May Also Like