May plano na si incoming President Rodrigo Duterte na hilingin sa kongreso na babaan ang criminal liability age ng mga juvenile offenders.
Nakarating sa kaalaman ng presidente na ang mga minor de edad ay ginagamit ng mga sindikato sa pagbebenta ng droga.
Ayon kay Congressman Pantaleon Alvarez, incoming House Speaker at personal choice ni Duterte, priorities ng pangulo ang isyung ito.
Samantala wala namang tinukoy si Alvarez kung ilang edad. Subalit si House Speaker Sonny Belmonte ay nagpahayag na pabor siya na mula sa 15 anyos gawing 12 anyos ang age liabilities ng mga ito.
Ang proposed bill ay pwedeng maging amendment sa nauna ng batas sa congreso, ang R.A. no. 10630, ang juvenile justice system and welfare act of 2006.
Nasasaad sa batas na ito na ang isang minor de edad na may gulang 15 anyos pababa sa panahong nakagawa siya ng krimen ay exempted sa anumang criminal liability subalit sila ay
ipapasailalim sa intervention program ng pamahalaan.
Ayon sa mga kritiko ang mga sindikato umano ay ginagamit ang batas na ito at ginagamit ang mga minors bilang mga drug couriers sapagkat mahuli man ang mga ito ay ipapasok lang sa isang reform facility.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 8, 2016