Palalayain ni Incoming President Rodrigo Duterte ang lahat ng mga political prisoners kasama na ang mga
consultant at ang mga lider ng kumunistang grupo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)
Wala namang anumang kundisyon ang hihilingin ni Duterte kundi ang pag uusap ng magkabilang panig.
Layunin ng pagpapalaya sa mga bilanggong ito ay upang tuluyan ng wakasan ang matagal nang labanan ng magkabilang panig.
Bahagi din daw ito ng confidence building measures ng pamahalaan ni Duterte
“I’m offering, as I’ve said , my hand of peace in good faith “
Bukas din daw ang pamahalaan niya sa sinumang gustong makipag tulungan sa kanya.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 25, 2016