Isusulong ng Duterte administration ang 3-child policy sa oras na makaupo na siya bilang pangulo .
Subalit ito ay suhestyon lamang o panukala. Ayon kay Duterte para sa kapakanan din ng mga mamamayan lalo na ng mga nanay para hindi naman mahirapan lalo pa’t hindi naman sapat ang hanapbuhay
Uminit ang ulo ni Duterte matapos madaanan ang isang pamilya may sampung anak subalit barker lang ang tatay, at walang trabaho ang nanay .
Ang panukala ni Duterte ay hindi naman sinang ayunan ng simbahan katolika. Isinusulong ng simbahan ang natural method ng family planning o rhythm method.
Samantala ipinahayag ni Duterte na “most hypocritical institution” ang simbahan katolika dahil umano sa napakaraming pang aabuso ng ilang pare.
Tinutuligsa daw ng mga pare ang imoralidad subalit gawain naman ito ng ilang kasapi. Nanghihingi din daw ang ilan sa mga pare ng sasakyan at pera sa ilang pulitiko.
Resbak naman ni Bishop Oscar Cruz na ang mga sasakyang ito ng simbahan ay nagagamit din minsan ng pamahalaan kapag may emergency.
Hindi naman daw hiningi ang mga sasakyang ito kundi “donasyon” sa simbahan, bagay na nagpainit na naman kay Duterte kaya minura nito ang obispo.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 24, 2016