Walk of shame ni Mayor Halili, suportado ni Duterte

Estimated read time 1 min read

 

Suportado ni incoming president Rodrigo Duterte ang walk of shame ni Mayor Antonio Halili ng Tanauan City, Batangas.

 

Photo Credit: baedaily.com  coolbuster.net
Photo Credit: baedaily.com
coolbuster.net

Ayon kay Duterte galiit din siya sa droga kaya okey lang sa kanya ang hakbang ng alcalde .

 

Magugunita na noong nakaraang linggo ay ipinarada ang pitong suspected pusher sa palengke habang nakasulat sa harap at likod ang mga katagang “Ako’y pusher huwag tularan“

 

Kaugnay nito, noong nakaraaang araw ay walong mga suspected pusher na naman ay ipinarada subalit ito ay naiiba. Tinawag na “Flores de pusher” sapagkat gamit ang arko sa santacruzan.

 

Nakasulat din sa damit ang “ako’y pusher, huwag tularan.”

Samantala, tinupad ni Mayor Tommy Osmeña ng Cebu City na magbibigay siya ng P50,000 na pabuya sa sinumang pulis na makakapatay ng drug pusher.

Ito ay matapos mapatay ng mga pulis ang isang pusher sa isang raid.

 

Ikinatuwa naman ng mga pulis ang pabuya ng alkalde. Gagamitin daw nila itong pondo ng kanilang tanggapan.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 24, 2016

You May Also Like