Tinuligsa ng mga netizens at ilang mamamayan ang plano ni incoming president Rodrigo Duterte na payagang ipalibiing sa Libingan ng mga Bayani si dating pangulong Ferdinand Marcos. Layunin nito na tuldukan na ang pagkakahati ng Pilipino.
Ayon sa mga bumabatikos para na ring pinatawad ni Duterte ang ginawang kasalanan at diktadurya ni Marcos at hindi pinahalagahan ang mga biktima ng Martial Law.
Ayon naman kay Duterte gusto niyang ipalibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sapagkat ito ay isang Pilipino at naging sundalo.
Pinasalamatan naman ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang hakbang ni Duterte na bigyan siya ng pardon. Subalit tinanggihan ito ni GMA sapagkat bago pala mabigyan ng pardon ay kailangang aminin muna ang kasalanan. Si Arroyo ay naka hospital arrest pa rin dahil sa kasong pandarambong.
Si Duterte na naging prosecutor at isang abogado ay naniniwala na mahina ang ebidensya laban kay Arroyo
Samantala isa pa sa bibigyang pansin ng pangulo ay ang pagpapauwi sa bansa ng communist leader na si Joma Sison at plano niyang bigyan ng upuan sa kanyang gabinete ang pulang magdirigma.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 24, 2016