12 Nanalong Senador Nanumpa na sa Pwesto

Estimated read time 1 min read

 

Araw ng Huwebes, sa Phil. International Convention Center (PICC) tuluyan nang nanumpa sa kanilang serbisyo bilang mga halal na mambabatas ng senado ang labing-dalawang (12) senador.

 

Top-Senators-700x471
Photo Credit: http://philippinesdaily.org/comelec-proclaims-new-12-senators/

 

Ibinigay naman ng COMELEC ang Certificate of Proclamation.

Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. Franklin Drilon——————18,607,391
2. Joel Villanueva——————18,459,222
3. Vicente Sotto 111————–17,200,371
4. Panfilo Lacson——————-16,926,152
5. Richard Gordon—————–16,719,322
6. Juan Miguel Zubiri————–16,119,165
7. Manny Pacquiao—————-16,050,546
8. Francis Pangilinan————–15,955,949
9. Risa Hontiveros——————15,915,213
10. Sherwin Gatchalian————-14,953,768
11. Ralph Recto ———————-14,271,868
12. Leila de Lima———————-14,144,070

Hindi naman nakadalo sina Senador Panfilo Lacson at Senador Tito Sotto, ang kanilang Certificate of Proclamation ay tinanggap nina Atty. Romulo Macalintal para kay Sotto at dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes para kay Lacson.

Samantala hindi naman napagbigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino na magpalabas ng TRO at pigilan ang pagpasumpa sa ika 10 hanggang ika 12 pwesto dahil umano sa nakakadudang resulta ng bilangan.

Si Tolentino ay nasa ika-13 pwesto at nilamangan ni Leila de Lima ng sobra sa isang milyong boto.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 19, 2016

You May Also Like