Mga pusher, ipinakilala sa “walk of shame”

Estimated read time 2 min read

 

Habang nakaposas at may nakasulat sa likuran at harapan na “Ako’y Pusher, Huwag Pamarisan“ pinalakad sa kalsada ang pitong mga suspect sa pagbebenta ng droga sa Tanauan, Batangas. Dalawa dito ay mga babae.

 

13230880_993553417397183_409146035_o
Photo Credithttps://www.facebook.com/Tanauan-Citys-Hope

Sa pamamagitan ng citizen’s arrest ang mga ito ay nahuli umano sa aktong nagbebenta ng droga.

Ang kautusang “Walk of Shame” ay mula kay Mayor Antonio Halili. Para sa kanya ito ay epektibong paraan upang huwag ng umulit at huwag pamarisan ng iba.

Ayon pa sa alkalde may mga suspect na paulit ulit na gumagawa ng krimen lalo pa’t nakakapiyansa ang mga ito.

Ang pagpapahiya umano sa publiko sa mga masamang gawain ang nagiging dahilan upang tumigil na ang iba, lalo pa’t hindi lang sila ang napapahiya kundi buong angkan ng pamilya nila.

Photo Credithttps://www.facebook.com/Tanauan-Citys-Hope
Photo Credithttps://www.facebook.com/Tanauan-Citys-Hope

Ayon pa kay Halili, ang mga pusher, rapist at mga magnanakaw ay ang mga suki ng walk of shame.

Samantala kinundina naman ng Human Rights Commission (CHR) ang sistemang ito. Agad namang bumuo ng quick reaction team ang tanggapan upang magtungo at mag imbistiga sa lugar.

Handa naman umano ang alcalde sa anumang uri ng imbistigasyon ng CHR.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 18, 2016

 

 

 

 

You May Also Like