CHR mangunguna sa pagsalungat sa pagbuhay ng “death penalty”

Estimated read time 1 min read

 

Ipinahayag ni Jose Luis Martin Gascon pinuno ng Commission on Human Rights (CHR) na pangungunahan niya ang pagsalungat sa pag buhay muli ng death penalty sa bansa.

Photo Credit: http://www.chr.gov.ph/
Photo Credit: http://www.chr.gov.ph/

Kailangan ang congressional intervention para maipasa ito. Handa rin daw siya na humarap sa congreso at sabihin ang mga masamang epekto nito.

Tatlo ang dahilan kung bakit hindi na rin pumapayag ang national at international community na ibalik ang death penalty.

Una ,ito umano ay malupit, hindi makatao, nakakababa masyado ng moral ng isang tao. Salungat din sa nakasaad sa Bill of Rights at international law.

Pangalawa, salungat ito sa layuning mapabuti ang criminal justice sa bansa at hindi masisiguro na may pagkakamali sa hatol at hindi na ito mai tatama kung patay na ang suspect.

Pangatlo, hndi ito assurance na matatakot gumawa ng krimen ang mga kriminal, at pwedeng mga mahihirap lamang ang mahatulan.

May mga mambabatas na nagsabing masyadong barbaric at sinaunang panahon pa ang pagbitay sa pamamagitan ng pagbigti na ipapakita pa sa publiko. Pwede pa sa pamamagitan ng lethal injection.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 17, 2016

You May Also Like