Panalanging Bayan Para kay Leni, isinagawa

Estimated read time 1 min read

pangadye 2

Isinagawa ng mga mamamayan sa Lungsod ng Naga sa Bicol Region ang isang prayer rally na tinaguriang “Panalanging Bayan Para kay Leni”.

Araw ng Huwebes, alas 7 ng gabi, isinagawa ang prayer rally sa Plaza Quince Martirez sa harapan ng imahen ng Our Lady of Peñafrancia, ang patron ng Bicolandia. Nagsindi ng kandila at nag rosaryo ang mga tagasuporta ni Leni.

Pinangunahan ito ni Naga City Mayor John Bongat, Vice Mayor Nelson Legacion, Congressman Gabby Bordado ng 3rd district ng Camarines Sur, mga opisyal ng lungsod at mga taga suporta.

Layunin ng panalangin ay upang hilingin kay “Ina” na sana’y gabayan at malampasan ni Vice Presidential runner Leni Robredo ang lahat ng pagsubok at mga suliranin na kanyang nararanasan sa kasalukuyan.

Nanalangin din ang mga ito na nawa’y gabayan at bigyan ng malinaw na pag iisip ang kanyang katunggali na si Sen. Bongbong Marcos pati na ang kanyang mga tagasuporta at tanggapin ng maluwag sa dibdid ang kanilang pagkatalo.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 12, 2016

You May Also Like