Ito ang mga katagang ipinarating ni Vice Presidential bet Leni Robredo sa kanyang katunggaling si Sen. Bongbong Marcos.
Magugunita na inakusahan ni Marcos na nandadaya umano ang kampo ni Leni Robredo lalo pa’t may nagparating sa kanila ng balita na umanoy may naglagay ng bagong computer command sa transparency server ng Comelec noong Lunes ng gabi at dito na unti unting nagbago ang election returns para kay Marcos at napupunta na umano kay Robredo.
Sinabi naman ng lawyer ni Marcos na hindi naman sila sigurado dito kaya sumulat na sila sa COMELEC. Gumagawa din daw sila ng hakbang para makakuha ng ebedensya. Nagsagawa naman ng rally ang ilang supporters ni Marcos.
Samantala, inihayag naman ni Robredo na kaya tumataas ang bilang ng kanyang boto dahil pumapasok na ang mga boto mula sa mga lugar na malakas siya tulad ng Visayas at Mindanao, idagdag pa ang galing sa Bicol.
Hintayin na lamang umano ang resulta ng election hanggang matapos ang bilangan at huwag ng gumawa ng kaguluhan.
Samantala kampante si Marcos na papabor sa kanya ang mga boto na hindi pa nabibilang mula sa Mindanao at Northern Luzon.
Isang malaking factor din sa pagbabago ng boto ng dalawa ang mga election returns mula sa overseas absentee voters.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 11, 2016