MCBN News
January 23, 2019
Wednesday
Ipinahayag ni Presidente Rodrigo Duterte na komportable na siya sa 12 years old bilang
bagong minimum age of criminal liability.
Sinabi ito ni Duterte matapos makapasa sa second reading ng House of Representatives
ang isang batas na nagbababa ng age of criminal responsibility mula 15 years old patungo
sa 12 years old at hindi 9 years old tulad nang unang panukala.
Ayon kay Duterte, “If it’s the final decision, I’m comfortable with it,”
Magugunita na umani ng samu’t saring reaksiyon ang unang panukala na ibaba
sa 12 years old ang age of criminal liability. Marami ang komontra ng panukalang ito mula
sa mga magulang, simbahan, mga guro at iba pa.