Showbiz News
January 23, 2019
Wednesday
Matapos arestuhin dahil sa umano’y panggagahasa, pinalaya na ng French prosecutors ang singer
na si Chris Brown kasama ang dalawang bodyguards nito.
Subalit tiniyak ng Paris Prosecutor’s Office, na hindi pa nila tuluyang isinasara
ang reklamo laban kay Brown.
Rumesbak naman si Brown sa babaeng nag akusa sa kanya.
Sinungaling daw ito at walang katotohanan ang bintang laban sa kanya.
Isa aniya itong paninira laban sa kanya at parang nabastos ang kaniyang anak
na babae pati na ang buong pamilya.
Ayon sa salaysay ng nagreklamong biktima, nakilala niya ang singer sa isang club
noong Enero 15. Nangyari ang panggagahasa nang dalhin siya ni Brown sa isang hotel.
Samantala, magugunita na noong 2009 ay inirekalmo rin si Brown ng
pananakit o assault ng dating kasintahang si Rihanna.