Ipinahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na nagkaroon siya ng pagkakataon na iparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pag aalala tungkol sa human rights issue at extra judicial killing (EJK) sa bansa. Sa kanilang maikling usapan ng pangulo noong araw ng Martes nang dumalo ang opisyal sa ASEAN Summit.
Sa pagharap niya sa press conference sinabi ni Trudeau “I actually had an opportunity to have a conversation with President Duterte just before our meeting earlier this morning, in which I emphasized off course, the people-to-people ties between Canada and the Philippines and the great connections there.
But I also mentioned human rights, rule of law and specifically extra judicial killings, as an issue that Canada is concerned with “
Na pressure si Trudeau na sagutin ang isyu dahil sa pagkakakilala sa kanya bilang “human rights champion worldwide”
Ayon kay Trudeau “it is what expected of his country.” Sinabi niya na “receptive’’ naman si Duterte sa kanyang komento tungkol sa isyu. Ang kanilang usapan ay very cordial at may positibong palitan ng salita.
“This is something that is important to Canadians, and it’s important to the world and I will always bring that up,” Trudeau said, referring to human rights.
Nag alok din ng suporta si Trudeau kay Duterte “as a friend to help move forward on what is a real challenge”.
Samantala magiging possible na raw umano at gagawan ng paraan para maibalik sa Canada ang 103 container ng basura na illegal na ipinasok sa Pilipinas kahit may mga restrictions sa pagpapabalik nito.
Kahit ang mga basura ay nagmula sa isang pribadong negosyante hindi sa mismong Canadian government
Magugunita na aabutin sa 1,300 toneladang basura mula sa isang pribadong kompanya na nakabase sa Ontario ang illegal na nagtapon nito sa Pilipinas noong 2013.
Ayon kay Trudeau mag uusap ang Pilipinas at ang Canada para sa buong detalye nito. Pag uusapan din nila kung sino ang magbabayad sa shipment ng basura pabalik sa Canada.
Samantala matapos ang press conference ay pinagkaguluhan na si Trudeau ng members ng media para mag pa selfie.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
November 14, 2017