Kinumpimra ni Presidente Rodrigo Duterte na si Deputy Minority Leader, Congressman Harry Roque ng Kabayan Partylist ang bagong presidential spokesperson, ipinakilala na rin niya si Roque sa kanyang departure speech sa Davao City bago tumulak sa kanyang state visit sa Japan.
Ayon sa talumpati ng pangulo “By the way, meet the new spokesman ng Malacañang, presidential spokesman. He will carry my word to the public and he’s very competent, able, lahat na. It’s in the messaging, actually we cannot speak with the same words altogether but how he can convey that message from me will be most important. I trust that he’d be able to come up with the expectation. “
Sa isinagawang pre departure press conference, si Roque na ang naging moderator.
Gagampanan ni Roque ang pagiging Presidential Spokesperson pakatapos ng state visit ni Duterte sa Japan mula October 29-31, 2017 at inaasahang dadalo sa unang meeting ng cabinet sa November 6.
Ayon naman kay Roque ”Thank you Mr. President for this honor”
Hindi naman maiwasan ang magkaroon ng comparison sa pagitan nina Roque sa kanyang papalitan na si Ernesto Abella.
Si Roque ay isang tough-talking lawyer samantalang si Abella ay soft-spoken, pastor by profession
Siya ang bagong pointman ng administrasyon. Magkakaroon ng bagong mukha at bagong boses ang Communications Team ni Duterte katuwang ni Presidential Communications Sec Martin Andanar.
“Roque will also face the tough job of putting out the fire caused by Duterte’s fiery, off-the-cuff remarks and controversial policy statements”
Samantala sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman “Roque’s upcoming role in Duterte’s Cabinet confirms his dubious role in defending the president’s wayward policies.”
“The charade is now over as Roque is liberated and obligated to be the president’s official apologist”
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
October 30, 2017