Simula sa November 1, nakatakdang mag enjoy ang mga Filipino para sa visa-free entry sa Taiwan kung sila ay mananatili sa loob ng dalawang linggo o 14 days sa naturang bansa.
Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Pilipnas magkakaroon ng visa-free entry trial sa loob ng siyam na buwan na magsisimula sa November 1, 2017 hanggang July 31, 2018.
Ito ay bahagi ng New Southbound Policy program ng bansa at may layuning mapalakas ang “people to people exchange’’.
Ayon sa TECO makakapasok ang mga Pilipino sa Taiwan bitbit lang ang kanilang mga ordinary/regular passport with at least 6-month validity from the date of entry, return ticket ng visitor’s destination at proof ng booked validation, host contract information at tour o travel arrangements.
Kailangang walang anumang criminal record ang Pilipinong pupunta sa Taiwan.
Samantala ang mga Pilipino na lalampas sa 14 days stay, mag aaral, magtatrabaho o mag nenegosyo sa Taiwan ay kailangan pa rin ang visa.
May kahilingan din ang Taiwanese Representative to the Philippines Dr. Gary Song-Huann Lin, sa Manila Economic and Cuktural Office na nasa Taipei na payagan din ang mga Taiwanese para sa visa–free entry sa Pilipinas.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
October 17, 2017