Matapos mag file ng reklamo sa Ethics Committee laban kay Senador Antonio Trillanes 1V sinabi ni Sen Richard Gordon na gusto niyang patalsikin sa Senado ang Magdalo mutineer.
Sa Headstart Program ng ANC ni Karen Davila tinanong si Gordon kung kailangan ba talagang i expell si Trillanes
Sagot ni Gordon ” I think so. You don’t call people names. You don’t insult your teammates”
“I don’t think he belongs in the senate . His behavior is really out of line ”
Pumayag naman ang Ethics Committee na kung saan si Sen Vicente Sotto 111 ang chairman. Nag warning ito na ang anumang offensive language ng mga senador na sinasabi kahit sa media ay covered ng parliamentary rules.
Sa reklamo ni Gordon sa Ethics Committee, inakusahan nito si Trillanes “of commiting continuous, unabated, unparliamentary acts, language and conduct which is causing damage to the Senate and to the people.”
Magugunita na nagkainitan at nagka personalan ang dalawa sa hearing ng smugggled shipment ng 6.4 kilo ng shabu na may halagang P6.5 billion mula sa China na nakalusot sa Bureau of Customs.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
September 12, 2017