Batas na nagbabawal sa pagsusuot ng high-heeled shoes ipapatupad na ng DOLE

Estimated read time 1 min read

 

 

Isang malaking tulong sa mga manggagawa tulad ng sales ladies, waitresses, cashiers, lady guards at iba pa ang pagkaka aproba ng isang batas na nagbabawal sa pag susuot ng high-heeled shoes at sobra sa dalawang oras na nakatayo.

 

Kamakailan lamang ay pinirmahan na ang kautusan ni Labor Secretary Silvestre Bello. Ito ay pwede nang ipasunod matapos ang 15 days publication .

 

Sa pag aaral ng Bureau of Working Condition ang dalawang oras na nakatayo sa trabaho at nakasuot ng mataas na takong ay nagdudulot ng masamang kundisyon ng katawan at kalusugan. Na dedevelop ang osteoporosis, paglala ng varicose veins , burden sa mga joints at iba pang komplikasyon.

 

Ayon sa batas dapat na bigyan din ng 15- minute break kung sobra na sa dalawang oras na nakatayo ang mga sales ladies, waitress, cashiers, lady guards at iba pa na walang kaltas sa sahod

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 25, 2017

You May Also Like