Relasyong Trump at McConnell nagkaka lamat na

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

 

 

WASHINGTON—-Marami ang nakakapuna na unti unting nagkakalamat ang relasyon sa pagitan nina Pangulong Donald Trump at Senate Majority Leader Mitch McConnell.

 

Mas tumindi ang tension sa Republican Party dahil sa umano’y government shut down. Pwede ring mabigo ang pagpasa ng mga major legislations.

 

Ayon sa komento ng beteranong Republican operative na si Doug Heye “He’s (Trump) now actively attacking people who can help his agenda”

 

Tungkol naman sa embarrassing failure ng partido para i overhaul ang health care ng bansa, sinabi ni Heye “it seems to be really a one-man spiral to the bottom”

 

Si McConnell tulad ng ilang leading Republican ay nababahala na sa pinaggagagawa ng pangulo na pag atake sa mga kasamahan sa partido.

 

Kwento ng isang kaibigan, tanong umano ni McConnell “whether Trump is capable of righting his struggling presidency.”

 

Mas lalong nadismaya si McConnell nang magbigay komento si Trump na ang ilang sumali sa white supremacist rally ay “very fine people”. Ang sinabi ng pangulo ay kinundina ng Republicans at Democrats dahil masyadong “racists” ang mga salitang ito.

 

Ang intra-party feud ang posibleng mag tingga sa mga priorities ni Trump tulad ng kanyang pangako na magpatayo ng mataas na pader sa border ng US at Mexico.

 

Nanakot si Trump na isusulong ang federal shutdown kung hindi maglalaan ng malaking budget ang congress sa kanyang mga proyecto.

 

Si McConnell ay 75 years old na. Apat na taon ang tanda niya kay Trump subalit nag stay siya sa Washington ng ilang dekada kung ikukumpara naman kay Trump na pitong buwan pa lang.

 

Si McConnell, isang Kentukian ay guarded at gentlemanly kabaligtaran naman sa New Yorker na pangulo.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 24, 2017

You May Also Like