Kumpirmasyon kay Taguiwalo bilang DSWD Sec tuluyan nang ibinasura ng CA

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

 

Tuluyan ng ibinasura ng Commisssion on Appointment ang kumpirmasyon ni DSWD Sec Judy Taguiwalo.

 

Labis ang kalungkutan ni Taguiwalo lalo pa’t hindi naman sinabi ng CA ang dahilan ng pag reject sa kanyang kumpirmasyon.

 

Magkagayunman ay pinasalamatan naman ng opisyal ang kanyang mga empleyado lalo pa’t nagsagawa ng maikling programa bilang dispedida sa kanyang paglisan.

 

Samantala malakas ang paniniwala ng taga suporta ni Taguiwalo na may mga dahilan kung bakit hindi siya nakumpirma. Isa na umano rito ang kanyang pagiging “leftist .

 

Isa pa rito ay ang pagsalungat umano ni Taguiwalo sa pork barrel fund ng mga mambabatas.

 

Magugunita na noong 2016, hinarap ng mga mambabatas si Taguiwalo nang magpalabas siya ng memorandum sa kanyang DSWD personnel na ang mga sulat mula sa mga pulitiko na humihingi ng pabor o tulong ay hindi pwede sa kanyang tanggapan. Hindi niya pahihintulutan ang “padrino” system

 

Marami ang nag iisip na ang pang aatake umano ng mga suspected NPA sa ilang kasapi ng Presidential Security Group (PSG) sa Cotabato noong July 19 ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na nakialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi pagkakakumpirma ni Taguiwalo.

 

Isa pa sa mga intriga ay ang pagpayag umano ng kalihim na mag “hire” ng mga empleyado mula sa “leftist” group.

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 23, 2017

You May Also Like