Sa pinakaunang pagkakataon mula ng siya ay matalo sa presidential elections ay nagbigay ng komento si dating DILG sec Mar Roxas sa mga desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte.
Hindi kasi nagustuhan ni Roxas ang desisyon ni Duterte na tunawin ang pagbuo ng Negros Island Region (N.I.R).
Si Roxas na may negrense roots ang nag spearhead para ma establish ang N.I.R. noong Aquino administration
Ang kanyang ina na si Judy Araneta Roxas ay nagmula sa Bago City, Negros Occidental .
Ayon kay Roxas, “I am disappointed that the Negros Island did not proceed. There would have been a lot of benefits if it pushed through “
Sinabi ng lokal na mga opisyal ng Negros Oriental at Negros Occidental na ang pagbuo ng NIR ay mas mapapadali umano ang pakikipag ugnayan ng mga kawani ng pamahalaan at mga mamamayan sa mga tanggapan at serbiisyo ng pamahalaan.
Sa bagong Executive Order (EO) ni Duterte ay nagsasabi na ang lalawigan ng Negros Occidental ay ikakabit sa Western Visayas at ang Negros Oriental ay ikakabit sa Central Visayas.
Ang dahilan umano nito ay ang kakulangan ng pondo para sa pagbuo ng NIR kaya pina walangbisa ng EO ni Duterte ang EO number 138 ni dating Presidente Noynoy Aquino creating the N.I.R. na kung saan si Mar Roxas ang nakaupong DILG secretary noon.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 9, 2017