Pagbili ng P5.1 million luxury vehicle ng chief justice may pahintulot ng batas.

Estimated read time 2 min read

 

 

 

 

Ayon sa Supreme Court (SC) pinahihintulutan ng budget department circular ang pagbili ng luxury vehicle ng Supreme Court justice para sa kanyang seguridad.

 

Ang kautusan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na bumili ng isang Toyota Land Cruiser na may halagang P5.1 million na kukunin mula sa pondo ng Supreme Court ay isang basehan para isulong umano ang impeachment case laban sa kanya.

 

Subalit mayroon umanong isang budget circular na may definition kung ano ang luxury vehicle. Nakasaad din kung sino ang exempted at kung sino ang hindi entitled nito.

 

Ayon sa budget circular 2010-2 na inisyu ni dating DBM Secretary Rolando Andaya Jr., may 4-point definition kung ano ang luxury vehicle. Ang Land Cruiser ni Sereno na isang sport utility vehicle ay kasama sa lista..

 

Ayon sa circular ang pagbili at paggamit ng luxury vehicle ay ipinagbabawal ng batas maliban na lamang kung ito ay gagamitn for security purposes ng pangulo ng bansa, vice president, senate president, Speaker of the House at Chief Justice.

 

Exempted din ang office of the president at ang foreign affairs kung ang luxury vehicle ang gagamitin ng mga foreign dignitaries na bumibisita sa bansa.

 

Ang procurement document mula sa SC ay nagpapakita na ang P5.1 million price tag ng sasakyan ay exclusive din sa bullet proofing.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
August 8, 2017

You May Also Like