Umapela sa pamahalaan si Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra na dapat na pahalagahan ang karapatang pantao ng mga mamamayan kahit pa umiiral ang Martial Law sa Mindanao.
Magugunita na agad na ideneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao matapos ang madugong sagupaan ng mga sundalo ng pamahalaan at ng mga terorista.
Ayon sa pangulo ang Martial Law ay pwedeng magtagal ng isang taon at ito ay kahalintulad ng Martial Law noong Marcos regime.
Umaasa naman ang mga residente sa Mindanao na hindi na mauulit ang human rights abuses ng Martial Law ni Marcos.
Sobra ang pangamba ng mga residente sa Marawi City at takot lumabas dahil sa naglipana ang mga terorista bibit ang kanilang mga armas. Sa report ng mga otoridad ay aabutin sa 200 terorista ang nakita sa Marawi na kasapi umano ng Maute group at suportador ng ISIS.