May pang aasar na sinabi ni Atty Romulo Macalintal, abogado ni VP Leni Robredo na nasa hallucination state ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos sa pagsasabing ang mga “data” na nakuha sa mga “unused SD cards” ay siyang pruweba na nandaya sa election ang bise presidente. Ito rin ang kanilang binasehan sa protesta.
Ayon kay Macalintal hindi mapapatunayan ng mga data ng unused SD cards na ito ang umano’y election fraud dahil hindi pa kompleto ang “process of decryption”.
Nagtataglay din umano ang kampo ni Marcos ng “bionic eyes” sapagkat kayang basahin ang mga encrypted data bilang ebedensiya ng pandadaya.
Ayon naman kay Atty Vic Rodriguez mula sa Marcos’ camp kung ang hindi gamit na mga SD cards ay may data, patunay umano ito na may manipulation sa election system.
Sinabi ni Macalintal na ang basehan ng panalo ng isang kandidato ay hindi sa SD cards kundi sa mga balota na na i cast sa mga vote counting machines, election returns at statement of votes.