Duterte Payag na sa Live Coverage ng TV Networks sa Kanyang Inauguration

Estimated read time 1 min read

Kinumpirma ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na pumapayag na si Incoming President Rodrigo Duterte sa live coverage ng mga TV networks sa kanyang inauguration sa June 30.

 

taken from wikipedia
taken from wikipedia

Maglalaan ng isang lugar sa compound ng Rizal Hall para maglagay ng stand-uppers ang coverage team ng mga broadcast network.

Subalit ang loob ng Rizal Hall ay exclusive pa rin sa gov’t TV station.

Ayon kay Andanar dalawang pahina ang inauguration speech ng pangulo subalit hindi pa ito final.
Gusto ng pangulo na gumamit ng teleprompter. Gagamitin ang wikang English, Filipino at Cebuano.

Samantala, ayon naman kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella nag offer ang social networking site na Facebook Asia na i cover ang event.

Sa pamamagitan ng Facebook, mapapanood via livestreaming ang inauguration.

Maganda naman umano ito sapagkat mapapanood ito ng mga OFW at lahat ng mga Filipino sa buong mundo.

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 22, 2016

You May Also Like