LOS ANGELES– Pumanaw na ang greatest boxing icon na si Muhammad Ali sa edad na 74 years old dahil sa Parkinson’s disease.
Ayon kay Bob Gunnel tagapagsalita ng pamilya, araw ng Biyernes, (Saturday, Manila time) ng bawian ng buhay ang legendary boxer matapos makipaglaban ng 32 taon sa Parkinson’s disease.
Itong linggong ito, si Ali ay na hospital sa Phoenix, Arizona dahil sa respiratory ailment na siyang naging komplikasyon ng Parkinson’s illness na lalong nagpahina sa kanyang kalusugan.
Si Ali ay nagpabalik balik sa hospital dahil sa kanyang sakit.
2014, nang siya ay ma diagnose nang mild pneumonia,
2015, nagkaroon siya ng urinary tract infection
Ang kanyang Parkinson’s illness ay mai kokonekta sa napakaraming punches o suntok sa kanyang katawan noong panahong aktibo pa siya sa pag bo boksing.
Buwan ng Abril ay dumalo pa si Ali sa Celebrity Fight Night Dinner sa Phoenix, isang fund raising event para malunasan ang Parkinson’s illness.
Buwan ng December, nagpalabas si Ali ng statement na tumutuligsa kay US Presidential candidate Donald Trump dahil sa panawagan nito na pagbawalan ang mga Muslim na pumasok sa US.
Naging sikat si Ali dahil sa kanyang heavyweight boxing career na umabot hanggang tatlong dekada. Naging 3-time magnificent heavyweight world champion at isa ring civil rights activist.
Makasaysayan ang title fight noong May 25, 1965, dahil pinabagsak ni Ali sa unang round pa lang ang boxer na si Sonny Liston sa Lewiston, Maine.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
June 4, 2016