Proklamasyon kay Duterte at Robredo isasagawa sa Lunes

Estimated read time 1 min read

 

Matapos ang ginawang bilangan ng National Board of Canvassers (NBOC) na nagtapos noong Biyernes, Mayo 27, nakatakdang iproklama sa araw ng Lunes si incoming president Rodrigo Duterte na nakakuha ng 16,601,997 votes at incoming vice president Leni Robredo nakakuha ng 14,418, 817.

Photo Credit www.facebook.com/PresidentRodyDuterteDU30 www.facebook.com/LeniRobredoPH
Photo Credit
www.facebook.com/PresidentRodyDuterteDU30
www.facebook.com/LeniRobredoPH

Sa araw ng Lunes ay muling mag ko convene ang National Board of Canvassers para sa proklamasyon sa dalawa.

Samantala nauna ng nagpahayag si Duterte na bibigyan niya ng magandang posisyon si Leni bilang pangalawang pangulo.

Sa panig naman ni Leni, sinabi niya na all out support siya kay Duterte.

Sa katanungan naman ng MCBN Pinoy Radio News kay Leni kung ano ang masasabi niya sa posisyong ibibigay sa kanya ni Duterte, minabuti ni Leni na huwag na munang magbigay ng komento.

Hintayin na lang daw muna na siya ay ma proklama bago siya mag bigay ng reaction.

 

 

 

 

Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 28, 2016

You May Also Like