Apat na upuan sa gabinete ni incoming president Rodrigo Duterte ang nakalaan sa pulang mandirigma o Communist Party of the Phils. (CCP)
Kasama sa mga ahensya ng pamahalaan na pwedeng hawakan ng CPP ay ang Agrarian Reform, Labor and Employment, Social Welffare at Environment.
Ayon kay Duterte ibibigay niya sa CPP ang labor dep’t dahil sila naman ang masyadong aktibo tungkol sa usapin sa trabaho.
Nagpahayag naman ng kagalakan si Duterte sa planong pagbabalik ng bansa ni Jose Maria Sison o Joma Sison, founder ng CPP at nag self exile sa Netherlands sa loob ng 30 taon.
Si Duterte na umaming “leftist” siya ay dating estudyante ni Joma Sison sa Lyceum of the Philippines noong 1960s.
Payag din si DU30 na sundin ang kahilingan ng CCP upang pakawalan ang kanilang mga bihag.
Gusto ng pangulo na mag usap sila ni Sison tungkol sa pagresolba ng insurgency sa bansa.
Samantala, no comment si Brig General Restituto Padilla spokesman ng AFP tungkol sa pag uwi ni Sison. Ayaw din nyang pag usapan ang tungkol sa CPP at sa nagpapatuloy na ceasefire ng tropa ng pamahalaan at ng mga NPA.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 17, 2016