Ito ang mangyayari sa oras na umupo na si Rodrigo Duterte bilang pangulo ng bansa. May panukala kasi si Duterte na isulong ang curfew for minors at liquor ban mula alas 10 ng gabi hanggang madaling araw .
Dito ay pagbabawalan ang mga kabataan na may gulang na 18 anyos pababa na maglakad sa labas ng bahay.
Sa paliwanag ni Peter Laviña, tagapagsalita ni Duterte, idadaan muna ang panukala sa isang public consultation bago magpalabas ng executive order ang pangulo pero mas mabuti umano kung idadaan ito sa isang legislation upang isabatas.
Nilinaw pa ni Laviña na pwede namang lumabas ng bahay ang isang minor kahit may curfew basta’t kasama ang kanilang magulang o guardian.
Hindi rin umano pagbabawalang uminom ang isang tao basta’t nasa loob na ng kanilang tahanan.
Myra Revilla
MCBN News Correspondent
May 11, 2016