Aabutin sa $100 million deal ang inilalaan ng fast-food giant na Jollibee Foods Corp. (JFC) upang bilhin ang 45% ng Smashburger sa American market. Sa oras na mangyari ito tinatayang aabutin na sa 85% na dagdag sa expansion ng JFC.
Sa ngayon sa pamamagitan ng subsidiary na Bee Good, pag aari ng JFC ang 40% ng Smashburger store na nasa Denver. Pinapatakbo nito ang 365 stores.
Matagal nang plano ng JFC na bilhin ang dagdag na 45% ng Smashburger at mangyayari ito sa loob ng dalawang buwan.
Ang consolidation na ito ay magdadagdag sa network ng JFC sa buong mundo ng 9.6% hanggang 4,162, mula sa 16 countries tungo sa 21 countries.
Maliban sa US, ang Smashburger ay nag o operate din sa Costa Rica, Egypt, El Salvador, United Kingdom sa England at Scotland at sa Panama.
Ayon kay JFC chair Tony Tan Caktiong matitikman na ng American people ang super tasting products nila sa JFC kasama na ang excellent services . Hindi masasayang ang pera nila dahil sulit ito sa sarap tulad ng mga customers nila sa Pilipinas, China, Vietnam, Singapore, Hong Kong, Brunei at Middle East”.